TULOY na tuloy na ang kasal ni Rosanna Roces sa kanyang lesbian lover na si Blessy Arias sa darating na Dec. 10.
Gaganapin ang seremonya sa Alexa’s Secret Garden sa Antipolo City, Rizal, 5 p.m.. Ayon kay Osang isang Aglipayan church minister ang mag-o-officiate sa kanilang wedding.
Nitong nagdaang weekend, nag-post si O-sang sa kanyang Facebook account ng ilang litrato ng kanilang wedding invitation. Sey ng dating sexy actress, wala na raw atrasan sa magaganap na kasalan.
Kung matatandaan, ibinandera ni Osang na isang tibo ang karelasyon niya ngayon. Matagal na raw niyang kaibigan si Blessy pero hindi sila nabigyan noon ng chance na maging intimate sa isa’t isa.
Ayon pa kay Osang, napakarami raw nabago sa buhay niya nang ma-ging partner niya sa buhay si Blessy. Natagpuan daw niya rito ang mga qualities na never niyang nakita sa mga lalaking nakarelasyon niya noon.