FINALLY, official na ngang Kapamilya (uli) si pareng Ogie Alcasid. Agad-agad siyang makakasama nina Gary Valenciano at Sharon Cuneta sa Your Face Sounds Familiar Kids Edition na mapapanood sa pagpasok ng 2017.
“Masaya siyempre. Bu-malik lang din naman ako, di ba?” sey nito nang makaharap ang mga kaibigan sa media.
Naging bahagi na ng ABS-CBN si Ogie at noong 1995 Miss Universe pageant sa bansa na under ABS-CBN ang coverage ay siya itong ginawang mukha ng “Pinoy” sa mga promo plugs nito.
Doon din niya nakilala ang dating asawang si Michelle Van-Eimeren who represented Australia then. At sa 2017, babalik uli siya matapos malibot ang tatlong major TV networks sa bansa.
“He is a very good addition to us. We need good artist like him,” sey ng isang kaibigan naming executive na dati na palang inaawitan ang mag-asawang Ogie at Regine Velasquez na “lumipat” sa ABS-CBN.
Hmmm, so nanliligaw pa rin ba until now ang network para sa paglipat din ni Regine sa ABS-CBN?