ITINANGGI ng Palasyo na nag-collapse si Pangulong Rodrigo Duterte matapos namang ikansela ang ilang iskedyul niya.
Sa magkahiwalay na text message, kapwa pinabulaanan nina special assistant to the president Bong Go at Communications Secretary Martin Andanar ang kumalat na ulat na hinimatay si Duterte.
“Nega,” sagot ni Go.
Kinansela naman ang pakikipagpulong sana ni Duterte sa mga opisyal ng Bangladesh, bagamat itinanggi ng Malacanang na may kaugnayan ito sa pagko-collapse ni Duterte.
“Inaalam ko pa. So far negative, walang ganyang storya,” sabi ni Andanar.
Iginiit naman ni Presidential Spokesperson Enesto Abella na may kailangan lamang unahin si Duterte kayat hindi natuloy ang pakikipagpulong sa mga opisyal ng Bangladesh.
”The meeting of President Duterte with Bangladeshi officials has been cancelled due to pressing matters that demand the President’s immediate attention. At any rate said Bangladeshi officials have alredy met with various heads of agencies to discuss matters regarding the heist,” sabi ni Abella.
MOST READ
LATEST STORIES