Para sa may kaarawan ngayon: Huwag makipaglandian sa iba, may babala ng pagtataksil. Manatiling tapat sa kasuyong Aries. Sa pinansyal, wag ubusin ang pera sa pagbo-blow-out, magtabi ng salapi para sa nalalapit na kapaskuhan. Mapalad ang 4, 18, 28, 37, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Harim-Haribol-Aum.” Yellow at black ang buenas
Aries – (Marso 21 – April 19) — Hindi mabuti ang sobrang galante. Upang masolusyunan ang pagiging bulaksak sa pera maghanap ng kasuyong kuripot. Sa ganyang paraan mas madali kayong uunlad at yayaman. Mapalad ang 3, 9, 12, 30, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Jagat-Guro-Om.” Beige at blue ang buenas.
Taurus – (April 20 – May 20) — Wag hayaang lumayo ang kasuyong Capricorn, hindi ka uunlad at hindi ka rin liligaya kung patuloy na mag-iisa. Hangga’t may panahon pa ha-bulin mo siya. Mapalad ang 6, 17, 24, 36, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahme-Neva-Om” Green at white ang buenas.
Gemini – (May 21 – June 21) — Hectic na activities ang nagbibigay ng suwerte sa mga Gemini. Kumilos ka ng kumilos at mag-exercise ng regular tuwing umaga. Kapag kilos ka ng kilos, mas madaling biyaya at masarap na romansa ang makakamit. Mapalad ang 5, 9, 14, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ca-Da-Bra.” Gray at pink ang buenas.
Cancer – (June 22 – July 22) — Magtutuloy-tuloy ang suwerte sa linggong ito, basta ang mahalaga lagi mong panghawakan ang iyong emosyon. Maging maingat sa paggastos upang may matira pang salapi para panghanda sa paskong darating. Mapalad ang 2, 19, 27, 33, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Deva-Om.” Green at violet ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Iwasang makibarkada sa mga taong walang pera, sa bandang huli matutulad ka lang sa kanila. Piliin ang mga kaibigang makakapal ang bulsa upang sa bandang huli yumaman ka rin. Sa pag-ibig iwasan ang mga pangit, sapagkat sa mga taong magaganda. susuwertehin ka. Mapalad ang 4, 19, 27, 36, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Mihi-Aum-Venit.” Magenta at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Araw-araw gumising ng maaga, mag-ehersisyo at magdasal. Sa ganyang paraan maaga kang gumigising at pina-priority ang kalusugan mas madali kang uunlad at liligaya. Mapalad ang 5, 17, 28, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Dyanam-Surya-Om.” Silver at lilac ang buenas.
Libra – (September 23 – October 23) — Hindi magiging maligaya kung laging pinaiiral ang sama ng loob. Patawarin ang kasuyong nagkasala at magsimula kayong muli. Sa pinansyal, tipirin ang pera para may maibigay sa mga kapamilyang nangangailangan. Mapalad ang 6, 17, 28, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Devasya-Ravaye-Om.” Pink at violet ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Ngayon pa lang paghandaan na ang Pasko. Sa pinansyal, iwasang magtapon ng pera sa mga walang kabuluhang bagay. Tandaang sa Holiday Season na ito higit na magpapaligaya ang pamilya kung marami kayong pera. Mapalad ang 6, 16, 22, 32, 46 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Brahma-Aum-Namah.” Violet at purple ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Laging magsuot ng kulay pula. Sa ganyang paraan mas madali mong maaakit ang maraming pera. Sa pag-ibig dahil sa kulay pula, aani ka ng masarap na romansa. Mapalad ang 3, 15, 27, 33, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Bukod sa pula, buenas din ang blue.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Hindi ka yayaman sa sariling bayang sinilangan. Upang umunlad at lumigaya maghanap ng pagkakakitaan sa malayong lugar. Mapalad ang 1, 13, 19, 22, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vajur-Veda-Om.” Yellow at red ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Wag isiping matanda ka na! May asim ka pa rin! Bago matapos ang Nobyembre darating ang isang nilalang na isinilang sa buwan ng Disyembre. Sa pinansyal, tama ang iniisip na pagtitipid, pero bakit hindi mo magawa? Panahon na para disiplinahin ang sarili. Mapalad ang 4, 13, 28, 34, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Veda-Vadya.” Orange at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Magdisplay ng aquarium sa entrada ng bahay. Lagyan ng 8 isdang pula at isang isdang itim, pwede ding: 8 isdang itim at isang isdang pula. Kapag nagawa mo yan, sa pag-ibig at materyal na bagay, susuwertehin ka na. Mapalad ang 42, 7, 16, 25, 33 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Beejaa-Om-Avayara.” Red at black ang buenas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.