Ma-epal na TV host/actor wanted sa male star, binastos daw ang GF

Kilalang over-protective si Billy Crawford pagdating sa girlfriend niyang si Coleen Garcia.

In fact, hindi nga lang isang beses niya itong pinatunayan sa dalaga kahit pa madalas ay si Billy ang nalalagay sa bad situation, whether totoo man o hindi.

Then, halos ganyan din ang peg ni Aljur Abrenica for his GF na si Kylie Padilla.

Kaya naman nang makarating sa amin ang tsikang ang isang sikat na young actor umano’y galit at nais kausapin ang napapabalitang maepal na TV host-actor na nambastos at feeling close sa kanyang GF, hindi na kami nagulat.

Yes, “wanted” nga raw kay sikat na young actor si TV host actor na kasama ni kilala ring young actress sa isang show.

Bukod daw kasi sa feeling teacher ito sa pagtuturo ng TV hosting kay young actress eh, madalas din daw itong maging “touchy” to the point na feeling nahaharas na ang girl.

Read more...