Puno: MILF behind Sinnott kidnapping; Edu tatakbong Senador; atbp.

MABUTI naman at inamin si Interior Secretary Ronnie Puno na ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nasa likod ng kidnapping ng Irish priest na si Fr.Michael Sinnott.
Di na siguro matagalan ni Puno ang nakakasukang pagtatakip sa MILF ng gobyerno.
Sinasabi kasi ng gobyerno na humihingi ito ng tulong sa MILF sa paghahanap at pagliligtas kay Sinnott sa kamay ng mga kidnappers.
Makailang ulit na sinabi ng inyong lingkod na si Sinnott ay kinidnap ng MILF at di ng mga pirata na gaya ng sinasabi sa report.
Nag-react naman ang MILF at siyempre pinabubulaanan ang sinabi ni Puno.
“Cheap propaganda” lang daw ang sinasabi ni Puno na sila ang may pakana ng pagkidnap ng pari.
Walang mahihita ang gobyerno sa pakikipag-usap sa mga Moro kung alam nito na nanloloko lang ang mga ito.
Pinalabas kasi ng gobyerno na tumutulong ang MILF sa paghahanap kay Sinnott.
At nagkunwari naman ang MILF na tumutulong sila.
Walang kahihinatnan ang pagbabalatkayo ng gobyerno at MILF sa kidnapping ni Sinnott.
*   *   *
Nangangamba kasi ang gobyerno na kapag nagalit ang MILF dahil sila ang pinagbibintangan sa pagkidnap kay Sinnott baka raw umatras ito sa peace talks.
Kung ganoon, hayaan na umatras sila sa peace talks.
Mahirap kausapin ang mga tao na puro kasinungalingan lang ang sinasabi.
Alam mo na nagsisinungaling ang iyong kausap bakit ka pa magpapatulong sa pakikipag-usap sa kanya?
*   *   *
Kaya lumalaki ang mga ulo ng Moro palagi silang hinihimas sa likod ng ating gobyerno.
Dapat ay patikmin ang MILF ng batok upang malaman nila kung sino ang boss.
Kapag ipinakita mo sa Moro na ikaw ay hindi lalaban mas lalo ka nilang duduruin.
*   *   *
Kinukuha raw ng Lakas-Kampi CMD ang game show host at TV actor na si Edu Manzano na tumakbong Bise
Presidente sa ilalim ng banner ni Gilberto Teodoro. Edu is one of those being considered by the administration to run for vice president.
Tumanggi na ang aktres na si Vilma Santos, governor ng Batangas, sa alok ng partido dahil tatakbo na lang daw siyang muli bilang gobernador.
Nakausap ko noong Huwebes si Edu at sinabi niya hihindian niya ang alok sa kanya ng Lakas.
Nakompromiso na raw siya sa partido ni Noynoy Aquino na tumakbo bilang senador.
Kung gayon malaki ang tsansa ni Edu na mananalo dahil kilalang-kilala siya ng mga tao.
Sa latest survey ng Pulse Asia, si Edu ay nasa top 5 sa mga “senatoriables.”
*   *   *
Pinsan pala ni Mayor Leoncio Saldivar III ng San Nicolas, Pangasinan, ang isa sa mga suspects sa
holdup sa Rolex store sa Greenbelt 5 mall sa Makati.
Kinilala ang suspect na nasa custody ngayon ng pulisya na si Dennis Serquina.
Pero sinabi si Mayor Saldivar na hindi niya alam ang pinaggagawa ng kanyang pinsan na isa sa kanyang mga bodyguards.
Nagsisinungaling itong si Mayor!
Puwede bang di niya malaman ang masamang gawain ng kanyang pinsan at bodyguard?
Baka ikaw pa, Mayor, ang isa sa mga financier ng sindikato?

Mon Tulfo, Target ni Tulfo

BANDERA, 110709

Read more...