User na male star buking ang ‘modus’ sa mga inosenteng babae

MAAGANG nadaot ang bubot pang relasyon ng isang kilalang male personality at ng isang non-showbiz girl sa pakikialam ng mga taong nag-aalala para sa kapakanan ng babae.

Okey na sana, tanggap na ng pamilya ng babae ang lalaking personalidad, pero meron pang mga nanghimasok na ang sabi’y nagmamalasakit lang sila sa dalaga.

Matindi ang kuwentong nakarating sa pamilya ng babae, ipinaglihi kuno sa mangga ang aktor, at hindi lang basta sa mangga kundi sa hinog na mangga dahil sa pagiging user nito.

Maraming taga-showbiz na kuno ang ginamit ng male personality, kasama na ang isang young actress na nakarelasyon niya, pero nakahiwalay rin agad.

Kuwento ng aming source, “Ayun, mukhang tagilid na ang porma niya sa pamilya ng girl, kasi nga, may mga nagparating ng kuwento sa family ng girl tungkol sa pagiging user nu’ng male personality.

“Damay sa kuwento ang isang ex niya na ginamit-gamit lang daw niya para siya makilala, pero ang totoo, gamit na gamit niya ang girl! May name kasi ang young actress, sa kilalang showbiz family siya belong, ginamit lang kuno ng young actor ang babaeng ‘yun!” kuwento ng aming impormante.

Nagkataon namang mula sa isang buena familia ang bagong babaeng nauugnay sa young actor, kaya ang ending, sinira-siraan agad siya at pinalabas na user ng mga hindi natutuwa sa pakikipagrelasyon niya sa non-showbiz girl.

“Hindi lang nagpapahalata ang family ng girl, pero siyempre, kahit paano, e, nag-aalala sila para sa manok nila! Baka nga naman totoong super-user ang young actor, e, nakakaawa naman ang girl na hulog na ang loob sa kanya!

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, afraid! Baka bigla na lang siyang ikulong sa isang island of no return!” pagtatapos ng aming source.

Read more...