TINIYAK ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na itutuloy ang pag-iimbestiga ng kanilang hanay kaugnay sa umanoy pagkuha ng ghost employees ni Pangulong Rodrigo Duterte noong siya pa ang mayor ng Davao City.
Ayon kay Morales, gagawin niya ito kahit na may immunity from lawsuit ang Pangulo.
Paliwanag ni Morales na inihain ni Senador Antonio Trillanes IV ang reklamo laban kay Duterte noong hindi pa ito pangulo ng bansa.
Gayunman ay hindi batid ni Morales kung ano na ang status ng kaso matapos siyang mag-inhibit dahil sa ugnayan niya kay Duterte.
Si Morales ay aunt-in-law ni Davao City Mayor Sarah Duterte na anak ng pangulo.
Hindi naman direktang sinagot ni Morales kung iimbestigahan din ng Ombudsman ang umano’y extrajudicial killings na nagaganap sa ilalim ng Duterte administration.
Pero aniya, hindi isinasantabi ang posibilidad na maimbestigahan ang Pangulo dahil sa mga pagpatay.
Follow Bandera on Twitter @banderainquirer
Like us on Facebook: @ Inquirer Bandera
Follow us on Viber: @viber.com/bandera