Since day one mula nang ipanganak si Zia, breast milk na ang pinatikim ni Yan Yan sa baby. Hangga’t may gatas siya, hindi raw siya magsasawang magpadede.
Mula kasi nang ipanganak ang panganay nila ni Dingdong Dantes, napansin ang pagiging lie low ni Marian sa pag- arte. Sandali lang siyang nag-guest sa Encantadia at isang season lang ang morning show niyang Yan Ang Morning.
Wala pang balita kung kelan siya uli gagawa ng soap. Tanging Sunday PinaSaya lang ang regular show niya. Pero no regrets kay Yan dahil ang pagiging ina ang top priority niya. Sa award na nakuha, walang katumbas ito para kay Marian dahil ang pagiging ina ang binibigyang-halaga niya ngayon.