Naiimadyin na namin how relieving it now is for Ormoc City Mayor Richard Gomez whose name has been cleared by Kerwin Espinosa na idinawit ng napaslang na ama nito bilang isa sa mga drug protector sa Kabisayaan.
Along with Goma ay ilan pang mga opisyal ang sumalungat sa affidavit ng slain Albuera mayor base sa testimonya ni Kerwin sa Senate inquiry nitong Miyerkules.
Matatandaang lumitaw ang pangalan ng actor-turned-politician as among the drug coddlers sa listahang isinapubliko rin sa pagdinig.
Despite the expose na tinawag ni Richard na katawa-tawa, nakatagpo siya ng kakampi sa showbiz na higit na nakakakilala sa kanyang advocacy laban sa droga.
Now that the skies are clear, ika nga, hindi man si Richard himself ang gumawa ng paraan to prove his innocence ay sa bibig na mismo ng self-confessed big-time drug lord nanggaling na kailanman ay hindi nagkanlong ang aktor ng mga lawless elements sa ating lipunan. Case closed?