Ellen sa relasyon nila ni Baste: I’m sorry, siya na lang tanungin n’yo!

ELLEN ADARNA AT BASTE DUTERTE

ELLEN ADARNA AT BASTE DUTERTE

ELLEN Adarna seems uncomfortable in giving explanation sa viral kissing photo nila ni Sebastian “Baste” Duterte.

Pagkatapos ng panel interview for Langit Lupa, ABS-CBN’s newest starring child wonders Xia Vigor and Yesha Camile plus Jason Abalos, Patrick Garcia, celebrity couple Tommy Esguerra and Miho Nishida, Sharlene San Pedro and Jairus Aquino, halatang iwas na iwas na si Ellen sa press.

Hinabol siya ng media para kunin ang kanyang side sa viral kissing photo pero nagdrama ang hitad. Kesyo she needs to go to the john pronto.

“That is not…sorry, ha. Siya na lang ang tanungin n’yo,” say ni Ellen sa tanong kung ano’ng meron sa kanila ni Baste. Ang dating tuloy, nag-walkout siya out of fear na matanong about the kissing photo.
Nauna nang natanong si Ellen kung hindi ba siya nahirapan dahil lumalabas sa soap na mina malditahan niya ang mga batang bida sa Langit Lupa, “Maldita naman ako. I have that side so it comes naturally,” say ng hitad.

Langit Lupa is directed by Carlo Artillaga and Myla Ajero-Gaite.

Read more...