Priscilla kay John: Kakausapin ko siya…dapat mag-apologize kung talagang may kasalanan!

JOHN ESTRADA AT PRISCILLA MEREILLES

JOHN ESTRADA AT PRISCILLA MEREILLES

WALANG kaalam-alam ang beauty queen turned actress na si Priscilla Mereilles tungkol sa kinasangkutan kontrobersya ng kanyang asawang si John Estrada.

Kamakailan kasi ay kumalat sa social media ang diumano’y pambabastos ni John sa isang staff ng SLEX tollgate, wala raw kasing pambayad ang aktor kaya nagkaroon ng pagtatalo ang dalaw.

Sa Facebook idinaan ng nasabing tollgate employee ang kanyang sentimyento sa ginawa ni John. Anito, sinigawan daw siya ni John nang hindi siya pumayag na palusutin ang aktor. Buti na lang daw dumating si Derek Ramsay na siyang nagbayad sa toll fee.

Nakachika namin si Priscilla at ng ilan pang miyembro ng entertainment media sa thanksgiving at farewell presscon ng Be My Lady at dito nga niya sinabi na walang ikinukuwento sa kanya ang asawa tungkol dito.

“Sorry, hindi ako familiar (sa issue) kasi I’m busy taping, so I cannot really comment on them. Wala ako diyan, wala ako sa picture, di ko talaga alam kung ano ang nangyari pero tatanungin ko sa kanya.

“Lahat ng tao, puwedeng maging mainitin ang ulo. It’s a matter of opportunity and wrong place. Di ko talaga alam kung ano ang nangyari diyan at kung totoo ‘yan at kung bakit.

“Kakausapin ko ang asawa ko para malaman ko talaga ang totoo. Kasi many times lumalabas sa media na di totoo, e,” paliwanag ng dating Miss Earth.

Tingin ba niya dapat mag-sorry si John sa tollgate employee kung totoo ngang nabastos niya ito?

“Apologize? Of course, kung magkaroon siya ng chance to apologize, dapat mag-apologize.

“Hindi dapat na mainit ang ulo mo, hindi porke’t pagod ka, may rason para itrato ang ibang tao nang hindi tama. I think, even siya, alam niya na yun. I don’t need to tell him that.

“Kung nangyari yun, sigurado ako na mag-iisip siya nang mabuti at gagawin niya yung paraan na dapat ginawa niya,” chika pa ni Priscilla.

Habang sinusulat namin ang balitang ito, wala pa ring official statement si John. Bukas pa rin ang pahinang ito para sa kanyang paliwanag.

Read more...