‘Kering-keri ni Kris ang pinagdaraanan niya ngayon! Matapang na babae ‘yun!’

VICE GANDA AT KRIS AQUINO

VICE GANDA AT KRIS AQUINO

PAGKATAPOS ng presscon ay kinumusta kay Vice ang kaibigan niyang si Kris Aquino na hanggang ngayon ay wala pa ring bagong proyekto sa TV o pelikula.

“Alam mo kanina habang nag-iinterbyuhan tayo, kaya hawak ko ang telepono ko kasi tumatawag siya (Kris), kasi nasa bahay siya at may nakasalubong siya sa elevator na ano (sabay tawa ni Vice), ‘Ay nakasalubong ko sa elevator si ano, chu chu chu. Meron kasi siyang ini-intriga sa akin.”

“Kris Aquino is a very strong woman, kung anuman ang pinagdadaanan niya ngayon, kayang-kaya niya ‘yan, mamaniin niya ‘yan. Sa rami ng pinagdaanan ng pamilya niya, ito pa bang nangyayari ngayon, hindi niya kakayanin? Kering-keri ni Kris ‘yan. Tatawanan lang niya ‘yan,” sabi ni Vice.

Inamin din niya na bagama’t hindi na sila nagkikita ni Kris ay nagkakausap naman sila parati, pati na si Bimby through Facetime.

At kung si Vice ang masusunod ay gusto niyang magkasama pa rin sila ni Kris sa ABS-CBN, “Ayaw natin ng naghihiwalay, mas maganda kung iisang pamilya tayo para masaya.”

Trulili ba na si Vice raw ang namamagitan kay Kris para kausapin si ABS-CBN Chief Operating Officer na si Ms. Cory Vidanes para ipaalam na gusto na nitong bumalik sa Kapamilya network.

“Ay hindi naman totoo ‘yan. Kris never asks me to do anything, to be like a bridge or middleman, wala.

Actually hindi nga namin pinag-uusapan ‘yun, eh. Tuwing mag-uusap kami, naghaharutan lang kaming dalawa, masaya kami.

“Ako kasi kapag alam kong malungkot ang kaibigan ko, ayaw ko siyang palungkutin, at hindi rin ako madawdaw o pakialamera o tsismosa. Kung hindi siya magkukuwento, hindi rin ako nagtatanong,” ani Vice.

Tinanong ulit namin kung inalam ba ni Vice kung saang network na kabilang ngayon si Kris, “Ayokong magtanong at ayoko ring maramdaman niya na kapag tinawagan ko siya, nagpi-fish ako. Ayokong ma-feel niyang tsumitsismis ako.”

Read more...