Daniel pagsasabayin ang pag-aaral at trabaho sa 2017: Gusto kong kumuha ng psychology at philosophy!

DANIEL PADILLA

DANIEL PADILLA

WALA pang birthday gift si Daniel Padilla sa kanyang mommy na si Karla Estrada. Pero may naiisip na raw siyang regalo na plano niyang ibigay very soon.

“Wala pa. Ha-hahaha! Pero meron tayong binabalak pero hindi pa lang nabibigay sa kanya. Yung wish ko sa kanya siyempre yung ipagpatuloy niya ang pag-aalaga niya sa amin, ang mga pangaral niya na walang katapusan at siyempre ang kasiyahan.

“Sa mga blessings na dumarating sa kanya ngayon sana tuluy-tuloy na dumarating and marami pa sana siyang matulungan na mga tao,” pahayag ni DJ sa panayam ng ABS-CBN sa ginanap na trade launch ng ABS-CBN.

Sey ni Daniel super close siya kay Queen Mother, at hindi ito tumitigil ng pangaral sa kanya lalo na ang pagiging good provider, “Yun yung mga bagay na tinuturo sa akin ng ermat ko. Talagang pag magbibigay ka, magbigay ka ng buong puso. Pag magbigay ka, magbigay ka ng buo huwag ka magbigay ng kalahati. Yung buo lang.”

Tuloy na rin ang pagbabalik niya sa regular school next year, “Gusto ko talagang maka-try na mag-experience yung pumapasok na ako ng college. And interesado na ako. Ito na yung stage na gusto mo nang may matutunan kang iba and hindi mo rin kasi masasabi. Gusto ko mag-Psychology at saka Philosophy.”

Pagsasabayin ni DJ ang pag-aaral at pagtatrabaho sa pagpasok ng 2017. Bukod sa movie at serye ay magkakaroon din siya ng concert next year.

Read more...