Susuwertehin ba sa pag-aasawa? (2)
Sulat mula kay Eleine ng Gulod, Novaliches, Quezon City
Dear Sir Greenfield,
1. Matagal ako sa abroad at naiwan dito sa Pinas ang boyfriend ko, pag balik ko may iba nap ala siya. Hinayang na hinayang ako sa nangyari, kasi mahal na mahal ko siya. Tapos dahil na broken hearted ako, nag abroad na lang ako uli at doon ko nakilala si Noel. Sa ngayon mag iisang taon na ang relasyon namin at nakauwi na rin ako habang siya naman ay nandoon pa sa ibang bansa. Ang pangako nya sa akin sa pag uwi niya sa 2017 magpapakasal na raw kami.
2. Ang tanong ko po ay kung matutuloy kaya ang kasal namin at kung mag-aasawa na ako susuwertehin kaya ako sa pag-aasawa? At magiging maligaya kaya ang bubuuin naming pamilya? April 12, 1987 ang birthday ko at November 27, 1985 naman ang boyfriend ko.
Umaasa,
Eleine ng Quezon City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aries (Illustration 2.) ang nagsasabing ang huling lalaking darating sa buhay mo na pang habang buhay mo ng makakasama at mapapangasawa ay isinilang sa zodiac sign na Sagittarius, kaya yong birthday ni Noel na November 27, 1985 ay saktong-saktong ka-tugma at ka-compatible mo talaga.
Numerology:
Ang birth date mong 12 ay nagsasabing ang lalaking mapapangasawa mo ay posibleng insilang sa petsang 9, 18 o kaya’y 27. Kaya tulad ng nasabi na suwetong-suweto at saktong-sakto talaga kayo ng boyfriend mong si Noel.
Luscher Color Test:
Upang maging mapalad sa pag-aaswa at hindi mauwi sa iwanan at hiwalayan lagi kang gumamit at magsuot ng mapalad mong kulay na violet o kaya’y asul. Sa nasabing kulay magtutuloy-tuloy na ang ang maligaya at pang habang buhay na pagmamahalan.
Huling payo at paalala:
Eleine ayon sa iyong kapalaran kahit na nabigo ka sa unang pag-ibig, ang ikalawang pakikipag-relasyon ay hindi naman matutulad dito, dahil ttunay ngang nakatakda na, kung saan ang pangako sa iyo ng boyfriend mo, tiyak ang magaganap, sa susunod na taong 2017 sa buwan ng Nobiyembre o kaya’y Disyembre matutupad ang kanyang promise sa kanyang pag-uwi galing abroad, may isang masaya at garbong kasalang magaganap na hanatong sa isang maunlad, maligaya at pang habang buhay na ring pagpapamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.