Susuwertehin ba sa pag-aasawa?
Sulat mula kay Eleine ng Gulod, Novaliches, Quezon City
Dear Sir Greenfield,
Matagal ako sa abroad at naiwan dito sa Pinas ang boyfriend ko. Pagbalik ko ay may iba na pala siya. Hinayang na hinayang ako sa nangyari, kasi mahal na mahal ko siya. Tapos dahil na broken hearted ako, nag-abroad na lang ako uli at doon ko nakilala si Noel. Sa ngayon, mag-iisang taon na ang relasyon namin at nakauwi na rin ako habang siya naman ay nandoon pa sa ibang bansa. Ang pangako niya sa akin sa pag-uwi niya sa 2017 ay magpapakasal na daw kami. Ang tanong ko po ay kung matutuloy kaya ang kasal namin. Kung mag-aasawa na ako, susuwertehin kaya ako sa pag-aasawa? At magiging maligaya kaya ang bubuuin naming pamilya? April 12, 1987 ang birthday ko at November 27, 1985 naman ang boyfriend ko.
Umaasa,
Eleine ng Quezon City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Dalawa ang namataang Marriage Line sa iyong palad (Illustration 1. Arrow 1. at 2.). Ibig sabihin, kung nabigo ka na sa unang pag-ibig, sa ikalawang pag-ibig ay tiyak ang magaganap—may pangako ng isang maligaya at panghabambuhay ng relasyon.
Cartomancy:
Queen of Hearts, Seven of Hearts at King of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa 2017 ay may positibong pangyayaring magaganap. Bago matapos ang nasabing taon, sa edad mong 30 pataas at 32 naman ang boyfriend mo, may isang masaya at garbong kasalang mararanasan.
Itutuloy
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.