Bagyong Marce tatawid sa kalupaan

pagasa

Inaasahan na tatawid sa kalupaan ngayong araw ang bagyong Marce, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.

Sa Lunes inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo. Kahapon ang mata ng bagyo ay nasa 105 kilometro sa hilaga-hilagang silangan sa Hinatuan, Surigao del Norte.

Mayroon itong hangin na umaabot sa 45 kilometro ang bilis at pabugsong 55 kilometro bawat oras. Umuusad ito sa bilis na 19 kilometro bawat oras patungong hilagang kanluran.

Ngayong umaga ang bagyo ay nasa Jimalalud, Negros Oriental at bukas 145 kilometro sa kanluran-hilagang kanluran ng Coron, Palawan. Sa Linggo ito ay nasa layong 345 kilometro sa kanluran ng Iba, Zambales at sa Lunes 540 kilometro sa Iba o labas na ng PAR.

Kahapon itinaas ang tropical cyclone warning signal no. 1 sa Romblon, Cuyo Island, Biliran, katimugang bahagi ng Samar, katimugang bahagi ng Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, Bohol, Cebu kasama ang Bantayan at Camotes Islands, Siquijor, Negros Oriental, Negros Occidental, Iloilo, Capiz, Aklan, Antique, Guimaras, Surigao del Norte kasama ang Siargao Island, Surigao del Sur, Dinagat Islands, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Misamis Oriental at Camiguin.

Read more...