De lima nasampal ni Dayan dahil sa wagas na pag-ibig

Nang dahil sa pag-ibig, nasampal ng driver-bodyguard na si Ronnie Dayan si Sen. Leila de Lima.
Sa pagdinig ng House committee on justice kahapon, sinabi ni Dayan na nasampal niya si de Lima ng malaman nito na mayroon na silang relasyon ni Warren Cristobal, isa sa security aide ng senadora.
“Bago pumasok yung 2015 nagkakalabuan na kami ni Ma’am. Kesyo hindi na daw kami masaya sa pagsasama namin, lagi kasing bangayan, at laging nag-aaway kami,” ani Dayan. “Kaya nung nabalitaan ko na yung isang hagad niya, na ang pangalan ay Warren Cristobal, ang bagong boyfriend niya, parang nasampal ko siya ng bahagya si Ma’am.”
Sinabihan pa umano ni Dayan si de Lima na: “Sabi ko, ‘Uubusin mo yata kaming security guard mo, ah’.”
Umuwi umano siya ng Pangasinan upang magpalipas ng sama ng loob.
“Tapos nag-text siya, ‘pumunta ka sa Maynila, may pipirmahan ka. Kasi hindi ka pumapasok, sumesweldo ka’,” ani de Lima. “Tapos, nung pumunta na ako, resignation na. Sabi ko kay Ma’am, ‘pinagre-resign mo na ako na parang nagpapalipas lang ako ng sama ng loob sa Pangasinan’.”
Sagot naman ni de Lima sa kanya: “Nakakahiya kasi, sabi niya, ‘at saka tama na rin ito para iwas gulo’,”
Nagbitiw si Dayan bilang driver-bodyguard ni de Lima noong Pebrero 2015. Dito na rin umano natuldukan ang kanilang pitong taong relasyon.
Sinabi ni Dayan na nalaman niya na nagkaroon din ng relasyon si de Lima sa miyembro ng Presidential Security Group na si Joenel Sanchez.
Tinanong naman si Dayan ni House deputy speaker Fred Castro kung totoo ang pagiibigan nila ni de Lima.
“Ang iyo bang pag-ibig kay Senador De Lima ay wagas, dalisay at matatag?” tanong ni Castro.
Sagot naman ni Dayan: “Parang ganun na po…… Yung pag-ibig kong wagas ay di niya sinuklian ng wagas din na pag-ibig.”
Tanong pa ni Castro: “Ibig mo bang sabihin sa pagdinig na ito na ang iyong relasyon kay Sec. De Lima ay hindi lamang para saluhan siya na magtampisaw sa pagmamahalan kundi siya ay saluhan din sa pagpawi sa init ng katawan?”
Kinumpirma naman ito ni Dayan.

Read more...