Jessy, Enchong parehong nag-enjoy sa ginawang kissing scene

jessy mendiola at enchong dee

MASARAP ang halikang naganap sa pagitan nina Enchong Dee at Jessy Mendiola para sa pelikulang “Mano Po 7: Chinoy”, mula pa rin sa Regal Films. Balitang parehong na-enjoy ng dalawa ang kanilang kissing scene sa movie.

Para kay Jessy, “Two AM na ‘yon! Ha! Ha! Ha!”

Halos lahat ng movies ni Jessy ay si Enchong ang leading man niya. May nabago ba?

“Ganoon pa rin siyang humalik! Rest assured. Hindi po. ‘Yung sa love angle namin, ‘yung role ko rito, medyo bit role pero may dating naman dahil mai-involve ako sa kanya at sa family niya.

“Bukod sa kissing scene, marami pa kayong dapat abangan,” sabi ni Jessy sa grand media-con ng “Mano Po 7: Chinoy” na mapapanood na sa Dec. 14 sa mga sinehan nationwide, directed by Ian Lorenos.

Komo nga tagaalaga siya ni Enchong nang nasa rehab center sa kuwento ng pelikula, malayo naman daw ito sa nangyari sa kanya sa totoong buhay.

“Sobrang iba po. Hindi siya relatable in real life dahil hindi naman ako nagganu’n (nagdroga)! Pero in a way, siguro sa pagmamahal, naka-relate ako,” rason ni Jessy na first time mapabilang sa cast ng family drama na “Mano Po”.

Read more...