PALAGING pinupuna ng kanyang mga kasamahang personalidad ang isang nagkakaedad nang komedyante.
Hindi kasi gaanong malinis sa katawan ang male personality, hindi rin kagandahan ang amoy ng singaw ng kanyang katawan, pero palagi lang siyang deadma.
Nagagalit pa siya kapag napagsasabihan, ang akala niya’y pinipintasan lang siya nang walang dahilan, alam daw niya kung paano aalagaan ang kanyang katawan.
Nu’ng minsang diretso siyang sabihan ng isang action star na bigyan naman sana niya ng panahon ang kanyang sarili ay nagalit pa siya, bakit daw ba kasi siya ang palaging pinagdidiskitahan ng ibang tao, samantalang naliligo naman siya araw-araw?
Kuwento ng isang source, “Napipikon siya kapag pinapansin ang itsura niya, kung anu-anong dahilan ang ibinibigay niya, hindi na lang kasi niya aminin na talaga namang tamad na tamad siyang maligo!
“Sa shooting nga, nakakailang paligo na ang mga co-stars niya, pero siya, waley pa rin! Para siyang pusa, takot na takot sa tubig! Ayaw talaga niyang maligo, naspu-naspu lang siya!” nakakalokang kuwento ng isang dati niyang nakakasama sa trabaho.
Mahilig pa naman siyang makipaglapit sa mga sikat na artista, nagmimistula siyang alalay ng mga ito sa sobra niyang pagiging close, hindi kaya siya pinagsasabihan ng mga artistang ‘yun?
“Naku, madalas siyang pagsabihan, pero matigas talaga ang ulo niya! Bangung-bango siya sa sarili niya, pero may mabantot ba namang nababahuan sa katawan niya? Natural, immune na siya, kaya wala na siyang naaamoy na mabantot sa mismong katawan niya!
“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, nakakaintindi naman siya ng Tagalog, di ba? Gusto pa ba niyang sabihin sa kanya sa Bisaya ng mga tao ang kapintasan niya?” bigay na bigay nang pagtatapos ng aming impormante.