Bagong bagyo binabantayan

pagasaNAKATAKDANG pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang isang Low Pressure Area (LPA) na inaasahang magiging bagyo na tatawaging “Marce.”

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang LPA sa 730 kilometro silangan ng Hinatuan sa Surigao Del Sur.
Sinabi ni Pagasa forecaster Benison Estareja na hindi magiging ang malakas na bagyo subalit magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa.
Kahapin ay nagsimula nang makaranas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang Visayas, Mindanao at Bicol Region.
Posibleng tumagal hanggang Sabado ang pag-ulan sa nasabing mga lugar, dagdag ni Estajera.
Makararanas naman ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ng Isolated partikular sa hapon at gabi.

Read more...