Neri Naig nanganak na; pangalan ng baby isinunod kay Chito Miranda;

NANGANAK na rin ang aktres na si Neri Naig sa panganay nila ng Parokya Ni Edgar vocalist na si Chito Miranda.
Mismong si Chito ang nag-post sa Instagram ng picture ng kanilang baby Miyerkules ng madaling-araw, matapos itong ipanganak. Nilagyan niya ito ng maikling caption na: “Wassup world.”
Pinangalanan nina Chito at Neri ang kanilang panganay na Alfonso, na isinunod sa real name ng band vocalist. Wala nang iba pang detalye na ibinigay ang mag-asawa tungkol sa baby, pero sa nakita naming photo ni Alfonso, mukhang healthy naman ang bata.
Pero bago nga manganak si Neri, tila na-stress pa ito dahil sa mga basher. May isa kasing netizen na nagkomento tungkol sa sanggol na nasa kanyang sinapupunan.
Sey ng isang netizen na may username na @joytotheworld2120, “Lahat ng kasabayan mo umanak na ah! 12 mos n ata yan sa tyan mo. Buhay pa kaya yan? @mrsnerimiranda OA mo kasi at mukang pera. Alamin m muna kung may buhay pa yan oi!”
Burado na ang nasabing post sa comments column ng post ni Neri, pero hindi napigilan ng asawa ni Chito na maimbiyerna kaya sinagot ang basher.
Anito, “Kawawa ka naman. Gumawa ka pa ng account para mang ganyan? Sarap mong murahin ng napaka lutong kaso wag na lang kase halatang insecure ka lang at bitter sa buhay.
“Kainggit inggit ba talaga ang buhay ko at galit na galit ka? Mas ok na ikaw ang binabash kaysa ikaw yung gumagawa ng dummy accounts para mambash.”

Read more...