May edad nang female celebrity bad trip pag tinatawag na tita

BLIND ITEM  FEMALE 0318

AYAW palang magpatawag ng tita ang isang female personality na madalas mapanood sa telebisyon ilang taon na ang nakararaan. Kahit ate, ayaw niya, basta pangalan lang niya ang gusto niyang ipinangtatawag sa kanya.

May edad na siya, halatado naman ‘yun sa kanyang itsura, pero maraming pakakainin ng alikabok ang pagiging flawless niya. Super-makinis ang babaeng personalidad at nunal lang yata ang dumi niya sa katawan.

Sa mga lugar na pinupuntahan niya ay napapagod siya hindi dahil sa kanyang mga ginagawa kundi dahil sa kanyang mga sinasabi. Pagod siya sa kababawal sa mga bumabati sa kanya na ang tawag sa kanya ay tita o kaya’y ate.

Wala pa namang tumatawag sa kanya ng lola, tita lang, dahil nahihiya naman ang iba na magmukhang walang galang sa mga tulad niyang nagkakaedad na.

“Kung makaporma siya, e, bagets pa rin. Para siyang nagmumurang-kamias. Maigsi siyang manamit, kitang-kita ang mga legs niya. Impernes, may karapatan naman siyang magpakita ng mga binti niya dahil maganda na ang korte, e, very flawless pa!” simulang kuwento ng aming source.

Kapag may tumatawag sa kanya ng tiya o tita ay umaalsa agad ang kanyang boses. Huwag daw siyang tawaging tita, bata pa raw siya, pero ayaw rin niyang tinatawag siyang ate.

“Masyado siyang manipis kapag tinatawag na siyang tita o ate. Very sensitive siya, talagang iniintindi niya ‘yun, hindi siya mapakali, talagang hinaharap niya ang tao at sasabihin niya, ‘No, don’t call me tita.’

“Banidosa ang female personality, talagang ‘yun lang ang pinoproblema niya, ang mga tumatawag sa kanya ng tita at ate na paggalang lang naman sa kanya.

“Hindi siya iniinsulto, respect lang ang sa mga bumabati sa kanya,” kuwento uli ng aming impormante.
Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, madaling mahulaan kung sino ang flawless na babaeng personalidad na ito, balikan n’yo lang ang pangalan ng isang babaeng pulitiko na humawak ng mataas na posisyon sa ating bayan.

Read more...