Atom Araullo artista na, bibida sa bagong obra ni Mike de Leon

atom araulo

TILA isa namang batas para kay Atom Araullo na tanggapin ang alok ni direk Mike de Leon para sa isang mahalagang film project.

“I just could not say no,” sey ng sikat na broadcast journalist na nag-resign na nga bilang empleyado ng ABS-CBN News and Current Affairs, though nasa TV at Teleradyo pa rin siya bilang talent.

Matagal-tagal na rin daw na panahon silang nag-uusap ng pamosong direktor na kilala sa pagkakaroon ng kakaibang work ethics and temper and yet isa sa itinuturing na pinakamahusay sa industriya.

“Citizen Jake” ang working title ng obrang nais gawin ni Mike de leon para kay Atom na bibigyan daw niya ng billing na “featuring” at hindi “starring.”

At malamang daw na baka ito na rin ang maging last film ng pamosong direktor. Hindi artista si Atom pero artistahin ang itsura at sa tagal na rin niya sa mundo ng pagbabalita, alam naming marami na siyang paghuhugutan para makaarte.

Read more...