2 pamangkin ni Alcala dakma sa buybust

quezon

NADAKIP ang dalawang pamangkin nina dating Agriculture Secretary Proceso Alcala at Quezon Rep.Vicente Alcala, at apat na iba pa sa buybust operation sa Sariaya, Quezon.
Nasabat sa anim na suspek ang 62.3 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P200,000, tatlong kotse at isang motorsiklo.
Kinilala ni Senior Supt. Antonio Yarra, Quezon police director, ang dalawa sa mga nadakip na sina Sahjid at Cerolleriz Alcala, mga anak ng nakababatang kapatid nina Proceso at Vicente na si Cerilo.
Ayon sa pulisya, ang mag-amang Cerilo at Sahjid ang pinaka-maiimpluwensyang drug personalities sa Quezon dahil sa koneksyon nila sa politika.
Si Prospero ay dating miyembro ng Gabinete ni Pangulong Noynoy Aquino
Unang nadakip si Sahjid, na nagbenta ng shabu sa isang undercover na pulis sa Brgy. Balubal ala-1:15 ng umaga kahapon.
Maliban sa magkapatid na Alcala, timbog din sina Joel Jamilla Lambit, Noel Abutin, Dona May Abastillas at Yumeko Angela Tan.
Matatandaang idinawit ni Pangulong Duterte ang ilang miyembro ng pamilya Alcala, isang kilalang political clan sa Quezon, sa operasyon ng droga.

Read more...