Pelikula nina Bossing, Vice, Coco at Ser Chief na nilaglag ng MMFF may sariling ‘filmfest’

VICE GANDA, COCO MARTIN AT VIC SOTTO

VICE GANDA, COCO MARTIN AT VIC SOTTO

Nangangamba ang mga theater owners and bookers na baka langawin ang mga pelikulang kasali MMFF this year.

At dahil tatagal raw ito ng halos two weeks, baka daw hindi nila mapigilang papasukin ang mga movies from Hollywood at malamang yung mga hindi pumasok as official entry.

The fact is, yung tatlong major films na hindi nakapasa sa screening committe ay uunahan na nga ang MMFF na magsisimula sa Dec. 25.

Ang balita, this Nov. 30 na ipapalabas ang pelikula nina Coco Martin at Vice Ganda na “Super Parental Guardians” na agad susundan on Dec. 7 ng movie ni Vic Sotto na “Enteng Kabisote 10” at sa Dec. 14 naman ang showing na “Mano Po 7” ng Regal Films.

Tsk..tsk..tsk…mukha ngang this early ay flop na ang 2016 MMFF dahil sa mistulang mini filmfest ng nga pelikulang inisnab ng screening committee! Ha-hahaha!

Read more...