“Oh my goodness gracious!” sabi ni de Lima nang tanungin kaugnay ng alegasyon ni Espinosa na nakatanggap siya ng P8 milyon.
Nakatakda ring magharap si de Lima at Espinosa sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado.
“So nili-link na naman nila kay Dayan?” dagdag ni de Lima, kaugnay ng pahayag ni Espinosa na ang dating boyfriend niya na si Ronnie Dayan ang nag-ayos ng kanilang pagkikita.
Idinagdag ni de Lima na hindi naman nabanggit si Dayan sa affidavit ng ama ni Kerwin, ang napatay na si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.
“I’m telling you, I have not received a single centavo from Kerwin Espinosa whether directly or indirectly in any instance in the same manner that I have not received a single centavo from the so-called drug lords, drug convicts na nag-testify sa House inquiry. Lahat po ito ay malaking kasinungalingan,” giit ni de Lima.