Jessy inasar ng bashers, si Angel pa rin ang bibida sa Darna

angel locsin at jessy mendiola

BALITANG si Angel Locsin pa rin ang gaganap na Darna sa bagong movie version nito kaya maraming netizens ang nang-asar kay Jessy Mendiola na very open sa pagsasabing gusto rin niyang mag-Darna kung mabibigyan ng chance.

Sa isang panayam natanong si Jessy kung ano ang feeling niya ngayong si Angel pa rin daw ang gaganap sa nasabing iconic superhero character, “Hindi naman po siya binigay sa akin to begin with so bakit naman ako malulungkot?

“I think lahat naman ng natanong tungkol doon sa role na ‘yon open naman I mean sino ba namang may ayaw?” ang pahayag ni Jessy.

Hirit pa raw ng dalaga sa nasabing interview, “Karapat-dapat lang naman talaga na siya.”

Read more...