Arjo nag-trending matapos humataw sa ASAP

arjo atayde

BILANG bahagi ng post-birthday celebration ni Arjo Atayde na mas kilala ngayon ng mga manonood bilang si Joaquin Tuazon sa FPJ’s Ang Probinsyano, nagkaroon siya ng dance number sa ASAP noong Linggo.

Nagulat ang pamilya Atayde dahil nag-trending si Arjo sa social media habang sumasayaw, ang daming nag-post na magaling pala siyang sumayaw.

Iilan lang kasi kaming malapit sa pamilya ng aktor ang nakakaalam na sumasayaw talaga ang binata at ito talaga ang first love niya hindi ang pag-arte.

Ilang beses na naming nakitang humataw si Arjo kaya hindi na kami nagulat pa. Nakakatuwa dahil puro papuri ang tinanggap niya pagkatapos ng kanyang production number.

May mga nag-post sa Twitter at Facebook na sana raw ay linggu-linggo nang nasa ASAP ang aktor.

Sa mga hindi nakakaalam ay marunong ding kumanta si Arjo kaya masasabing multi-talented talaga ang binata nina Sylvia Sanchez at Art Atayde. Kaya huwag na tayong magtaka kung masundan pa ang guesting ng aktor sa ASAP.

Samantala, todo naman ang pasasalamat ni Arjo sa lahat ng bumati sa kanya sa social media at siyempre sa ABS-CBN, ASAP at kay Mr. M (Johnny Manahan) sa pagkakataong maipakita ang iba pa niyang talent sa publiko.

Samantala, patuloy na tutukan ang mas exciting pang mga eksena sa Ang Probinsyano na napapanood pa rin after TV Patrol.

Read more...