Du30 pinagbibitiw si ERC Chair Salazar dahil sa umano’y korupsyon sa ahensiya

rodrigo duterte

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni Energy Regulatory Commission Chairman at CEO, Jose Vicente B. Salazar matapos naman ang alegasyon ng korupsyon sa ERC na ibinunyag ng nag-suicide na opisyal ng ahensiya.

Kinumpirma ni Communications Secretary Martin Andanar ang kautusan ni Duterte kay Salazar na bumaba sa puwesto.

“Yes,” ang tugon ni Andanar ng tanungin kaugnay ng direktiba ni Duterte mula Lima, Paris.

Nauna nang nagpakamatay si ERC Director Francisco Jose Villa, Jr. matapos umanong hindi matagalan ang talamak na katiwalian sa ERC kung saan nag-iwan pa siya ng mga “suicide notes” na nagpapangalan kina Salazar at AVP Luis Morales.

Nagbaril sa sarili si Villa noong Nobyembre 9.

Read more...