San Miguel Beermen dinaig ang Star Hotshots sa PBA Season 42 opener

Mga Laro sa Miyerkules
(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Blackwater vs Phoenix Petroleum
7 p.m. TNT KaTropa vs Rain or Shine

SINIMULAN ng San Miguel Beermen ang kampanya para sa ikatlong sunod na All-Filipino conference title sa PBA Season 42 sa pamamagitan ng 96-88 panalo kontra Star Hotshots sa pagbubukas ng 2016-17 PBA Philippine Cup Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Naiwanan ng Star sa pagtatapos ng ikatlong yugto, 79-75, at naghabol sa siyam na puntos, 86-77, sa kaagahan ng ikaapat na yugto, nagsagawa ang San Miguel Beer ng 15-0 run para tuluyang maagaw ang kalamangan at itakas ang panalo.

Pinangunahan ni June Mar Fajardo ang Beermen sa itinalang 25 puntos, 16 rebounds at dalawang blocks habang si Alex Cabagnot ay nag-ambag ng 22 puntos at walong assists.

Si Arwind Santos ay nagdagdag ng 17 puntos habang si Marcio Lassiter ay may 11 puntos para sa San Miguel Beer.

Si Mark Barroca ang namuno para sa Hotshots sa ginawang 13 puntos habang si Paul Lee ay may 12 puntos.

Read more...