Janine mahal na mahal pa rin si Elmo: Trabaho ang therapy ko ngayon!

 

PANSIN namin na ibang-iba rin ngayon ang ang aura ng leading lady ni Aljur na si Janine Gutierrez.

Wala kasi kaming makitang trace ng pagka-heart broken ng dalaga matapos silang maghiwalay ni Elmo Magalona. Bukod kasi sa napakaganda nito at mukha namang masaya, parang wala lang sa kanya ang pagbe-break nila ng binata.

“Good thing po na marami akong work. Sa trabaho ko na lang talaga ibinubuhos ang lahat,” sey nito sa amin.

But in the middle of our chat at dahil feel naming ma-ging totoo sa Usapang Real Love, doon namin naramdamang “affected” pa rin ang dalaga. Hindi kasi nito agad nasasagot ang mga tanong at hirap itong maghanap ng salita sa pagpapaliwanag.

And we did understand. Ramdam naming mahal pa rin nito ang ex-BF pero i-pinangako raw niyang gaga-win ang lahat para mas mahalin muna uli ang kanyang sarili.

“That’s why I am so thankful sa GMA 7. Sa mga projects na ibinibigay at mga katrabaho. Work po talaga ang therapy ko ngayon,” aniya.

Nginitian lang kami ni Janine sa tanong namin kung sa process ba niya ng pag-move on ay tinanggal, kinalimutan o isinoli niya ang mga bagay-bagay na ibinigay sa kanya ni Elmo?

Read more...