Sharon nadamay sa kadaldalan ni Kiko, inupakan ng mga Marcos loyalist

SHARON CUNETA AT KIKO PANGILINAN

SHARON CUNETA AT KIKO PANGILINAN

SIGURADONG makakaladkad na naman bilang collateral damage ang pangalan ni Sharon Cuneta.

Kung ‘yun ngang nananahimik lang ang Megastar ay naba-bash pa siya, ngayon pa kayang kaliwa’t kanan ang pagbira ng mister niyang pulitiko sa paglilibing kay dating Pa-ngulong Ferdinand Marcos ang palalampasin ng mga miron, mukhang malabo ‘yun.

Dahil sa matitinding pahayag na binibitiwan ngayon ni Senador Kiko Pangilinan kontra sa pa-milya Marcos ay siguradong ang Megastar ang reresbakan ng mga kababayan nating loyalista ng pamilya sa Norte.

Ngayon pa nga lang ay meron nang mga nanga-ngalampag kay Sharon, sabihan daw niya si Senador Kiko na ma-nahimik na lang, dahil puro “noted” lang naman ang alam nitong ikomento sa mga pagdinig sa Senado.

Mahirap ang sitwasyon ni Sharon bilang misis ng isang pulitikong bukas ang bibig sa paglalantad ng mga opinyon, ang singer-actress ang napupuruhan, si Sharon ang nireresbakan ng mga kakontra ng kanyang asawa.

May pahaging kasi ang senador na oo nga’t naili-bing na sa LNMB ang da-ting pangulo ay hindi ‘yun nangangahulugang habambuhay nang du’n maihihimlay ang bangkay ng pulitiko.

Ano kaya ang ibig sabihin ng asawang senador ni Mega, ipahuhukay nito ang bangkay ng dating pangulo, ganu’n kaya ang gusto nitong idiin?

Read more...