Erich sa pagpapakasal kay Daniel: Ipinagdarasal ko na sana siya na talaga!

 

KAHIT mataas ang rating at sandamakmak pa rin ang TV commercials, tatapusin na ng ABS-CBN ang daytime series na Be My Lady na pinagbibidahan ng real life couple na sina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga.

Isang linggo na lang mapapanood ang serye ma-tapos ngang ipalabas ang wedding scene nina Erich at Daniel bilang sina Phil at Pinang. Bongga ang kasal ng dalawa sa Be My Lady, talagang ginastusan ito ng production under business unit head Ruel Bayani.

Kaya ang unang tanong sa magdyowa sa ginanap na thanksgiving presscon ng Be My Lady, nakikita na rin ba nila ang kanilang mga sarili na ikinakasal? Unang sumagot si Daniel, “Oo siyempre naman,” na sinegundahan agad ni Erich sabay sabing, “Siyempre naman po, gusto kong isipin na sana po doon (na patungo), God willing, di ba?

“Kasi siyempre hindi naman po tayo pumapasok sa isang relasyon na gusto natin panandalian lang, kumbaga one week lang or one month. Siyempre po pinagdadasal natin na sana siya na po talaga,” paliwanag ni Erich.

Pero sabi ng dalawang Kapamilya stars, wala pa silang target date or year para sa kanilang wedding, “Honestly, I don’t know pa. Siyempre ayaw pa namin pangunahan, di ba, ‘yung mga bagay-bagay kasi everything has its time naman. Siyempre when we head there naman, we’ll let you know,” sey ni Erich nang makachika ng ilang members ng entertainment media.

Hindi rin daw sila nape-pressure sa u-saping kasal dahil alam naman daw nila ang priorities nila sa buhay ngayon.

“Hindi naman ako pressured. Ako, kung time talaga, it’s time, If I think I’m settled, I can afford to have a family and all, that’s it,” sey ni Daniel. Nais daw niyang masiguro na mabibigyan niya ng magandang kinabukasan ang kanyang future family na hindi dumedepende sa ibang tao.

Samantala, maituturing na isa sa pinakamatatagumpay na serye ngayong 2016 ang Be My Lady. Halos mag-iisang taon na nga ito sa telebisyon at hanggang nga-yon ay nangunguna pa rin sa timeslot nito sa umaga. Sa kabila ng iba’t ibang programa na tumapat dito, nananatiling mas tinatangkilik ng mga manonood ang kwento ng pag-ibig nina Phil (Daniel) at Pinang (Erich).

Trending din ito sa social media araw-araw at nagpauso pa ng viral song craze na “Tatlong Bibe.” Ngunit higit sa lahat, nakapagbahagi ang serye ng mahahalagang aral sa viewers. Nagsilbing inspirasyon sina Phil at Pinang at ipinakitang hindi hadlang ang pagkakaiba ng kultura pagdating sa pag-ibig.

#FamilyGoals din na matatawag ang pamilya Crisostomo na nanatiling masaya at nagkakaisa sa hirap man o ginhawa.

“Nagpapasalamat po talaga ako na bahagi ako ng napakagandang programang ito. Marami po kaming feedback na nakukuha na nagagawa ng show na pagsama-samahin ang buong pamilya kaya naman po mas inspired kami na galingan pa.

“Para sa amin ang pagtagal namin ng ganito katagal sa ere ay hindi lang patunay sa tagumpay ng show kung hindi isang malaking karangalan at blessing po talaga,” sabi ni Erich.

Hirit naman ni Daniel, “Gusto talaga naming na bigyan kayo ng show na positibo, puno ng good values, nakasentro sa Diyos, at makapamilya. Masaya kami na na-inspire namin kayo.”

Dahil sa impluwensya nito sa manonood, kinilala kamakailan ang Be My Lady bilang Best Drama Series ng Catholic Mass Media Awards para sa mahusay na pagpapalaganap nito ng aral sa mga manonood.

Hindi lang mga Pilipino kung hindi pati ibang lahi ay mapapanood na rin ang feel-good na kwento nito dahil nakatakda nang ipalabas ang serye sa Kazakhstan, Myanmar, at Africa sa susunod na taon.

Sa pagtatapos ng kanilang kwento ngayong dara-ting na linggo, tunghayan ang pag-uumpisa ng kanilang journey to forever sa kanilang bagong buhay mag-asawa. Uumpisahan na rin nilang bumuo ng kanilang sariling pamilya.

Ano pa nga ba ang mga pagsubok na haharapin nila ngayong sila ay ganap nang mag-asawa? Mapanindigan kaya nila ang kanilang mga sinumpuaang pangako sa isa’t isa?

Huwag palalampasin ang Be My Lady, 11:30 a.m. bago mag-It’s Showtime sa PrimeTanghali ng ABS-CBN.

Read more...