Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 4 ang Bohol bago magtanghali kahapon (Linggo).
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang Intensity IV paggalaw sa Tagbilaran City at Antequera, Bohol.
Intensity III naman sa bayan ng Loboc at Intensity II sa Bauis at Loay.
Nangyari ang lindol alas-11:40 ng umaga. Ang sentro nito ay anim na kilometro sa silangan ng Antequera.
May lalim itong dalawang kilometro at ang sanhi ay ang paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
MOST READ
LATEST STORIES