Pia kay Pauleen: Salamat at hindi mo ako iniwan kahit matigas ang ulo ko!

 

MALALIM talaga ang pinagsamahan ng mag-BFF na sina Pauleen Luna at 2015 Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach.

Kahit na nga may kanya-kanya na silang buhay at magkaiba ang tinahak na career, napanatili pa rin nila ang katatagan ng kanilang pagkakaibigan – kumbaga sa mag-asawa, nag-promise rin sila sa isa’t isa ng “till death do us part.”

In fairness, kahit gaano pa sila ka-busy ay talagang humahanap sila ng paraan para makapag-bonding. Sa katunayan, kahit bising-busy na si Pia noon dahil kakapanalo lang niya sa Miss Universe ay nakapunta pa rin siya sa kasal nina Pauleen at Vic Sotto.

Sa mahahalagang araw naman ng beauty queen ay naroon din si Pauleen at 100% din ang ibinibigay na suporta.

Maraming netizens nga ang na-inspire sa huling palitan ng mensahe sa social media ng dalawa kung saan nag-post pa si Pia ng throwback picture nila ni Poleng na kuha noong nagsisimula pa lang sila sa showbiz 14 years ago. Magka-batch kasi sila sa Star Magic Batch 11 (2002).

Sa kanyang Instagram account, binati ni Pia si Pauleen ng happy birthday na nag-28 last Nov. 10, nilagyan niya ng caption ang lumang photo nila ni Poleng ng: “A little throwback for one of my best friends in the whole universe @pauleenlunasotto.”

“Thank you so much for sticking by me thru all these years kahit na matigas ulo ko. Thru thick and thin eyebrows! Happy birthday! Love you,” sey pa ni Pia.

Nag-reply naman si Pauleen sa message ni Pia, anito, “Thank you, Pi!!! I love you, Miss Universe or not. #FriendshipGoals.”

Samantala, masaya naman daw sina Pauleen at Bossing kahit wala pa silang baby. Naniniwala ang mag-asawa na darating at darating din ang sanggol kung para ito sa kanila.

Read more...