TV reporter binigyan ng bonggang birthday party ng mataas na gov’t exec

DA who ang isang mataas na opisyal ng gobyerno na binigyan ng bonggang birthday party ang isang lady reporter ng isang malaking istasyon ng telebisyon kung saan imbitado pa maging ang pamilya nito.

Kamakailan ay biglang nag-imbita ang opisyal sa ilang piling reporter para umano sa isang dinner pero ang siste, front lamang pala ito ng executive dahil isa lamang ang target niya para sa pakain, ang mabigyan ng birthday party ang isang reporter na bagamat hindi na bagito ay hindi rin naman sikat sa kanyang TV station na pinaglingkuran.

Bukod sa present ang pamilya ng lady reporter sa surprise birthday party, nag-duet pa ang opisyal at ang celebrant at magkatabi sa upuan sa nangyaring dinner party.

Dismayado naman ang mga invited na mga miyembro ng media dahil sa pakiramdam nila ay nagamit pa sila sa nangyaring date ng opisyal at ng TV reporter.

Alam kaya ito ng TV network na kinabibilangan ng reporter?

Ang siste, bukod sa hindi naman single ang government executive, halos anak nang masasabi ang type na lady reporter.

Kung natatandaan nyo ang kwento ng isang TV personality na sumikat matapos mapaulat na nililigawan noon ng isa ring mataas na opisyal ng gobyerno, hindi rin kataka-taka na ganito rin ang mangyari sa lady reporter sa ating kwento.

Hindi ba’t matapos ma-link sa noo’y nakaupong opisyal, sunod-sunod na ang project ng lady personality at tumaas pa ang talent fee, bukod sa break na ibinigay sa kanya.

Ngunit nang mawala na ang interes ng noo’y opisyal, unti-unti na rin nalaos ang ang babaeng personalidad.

Sa kaso naman ng babaeng personalidad na kasama sa kwento ngayon, bagamat matgal-tagal na rin siya sa TV network na pinagtatrabahuan ay hindi pa ganoon kasikat.

Hindi na rin tayo magtataka na sisikat ang lady reporter sakaling magtutuloy-tuloy ang pagkakalink sa government exec.

Ano naman kaya ang masasabi ng karelasyon ng government exec na alam naman ng lahat na bagamat hindi kasal ay matagal na ring magkarelasyon?

Alam kong hindi nyo na kailangan ng clue kung sino ang mataas na opisyal na type na type ang lady reporter pero kilala talaga itong mahilig sa bata.

Sa kaso naman ng lady reporter, may inisyal ito na letter R.

Nahulaan nyo ba ang mga tinutukoy ko sa aking kwento?

Read more...