OUT of curiosity ay pinanood namin sa YouTube ang music video ni Julie Anne San Jose for her latest song “Chasing The Light.”
We chanced upon kasi sa Twitter some negative comments about her music video like this one, “GMA Records, ang sarap nyung batuhin ng kamatis. Yung totoo, magkano ginastos nyo sa music video? MERDE!!!”
“Nakakainis. Ang daming posibleng concept – Chasing The Light – tapos yun lang. JA deserves better than that.”
“Dati pa naman ganyan na sila eh, takot ba maglabas ng pera o wala lang talagang matinong mag-isip ng concept?”
‘Yan pa ang magkasunod na tweet na aming nabasa.
It was without doubt na tama ang sinasabi ng nakapanood ng music video. Halatang hindi nag-effort ang sinumang gumawa niyon. Tatlong wardrobe changes, kanta-kanta sa kalye at sa bukid, presto, music video na.
Halatang tinipid si Julie Anne. Walang ka-concept-concept ang kanyang MTV.