Sino ang pipiliin si first love ba o ang kasalukuyan BF?

Sulat mula kay Monique ng Talaba, Bacoor, Cavite
Dear Sir Greenfield,
May boyfriend na po ako sa ngayon at ayos naman ang relasyon namin. Kaya lang nagtataka ako sa sarili ko kung bakit hanggang ngayon di ko pa rin makalimutan iyong first love ko na siya rin ang naging first boyfriend ko, lalo na ngayon nabalitaan ko na wala na uli siyang girlfriend at balak nya yatang makipagbalikan sa akin. Hindi lang daw magawa kasi nga may boyfriend pa ako sa ngayon. Ano sa palagay nyo, dapat ko bang balikan ang first love ko at makipag-break na ako sa kasalukuyan kong BF, kahit na wala naman siyang nagagawang kasalanan sa akin at wala naman dahilan para mag-break kami. Mula kasi ng ikinuwento sa akin ng kaibigan ko, ang tungkol sa first love ko para tuloy naguguluhan ako. Sino ba sa dalawang lalaking ito ang ka-compatible ko at makakatuluyan ko at sino din sa kaniula ang makapag bibigay sa akin ng isang maunad at maligayang pamilya? July 2, 1991 ang birthday ko.
Umaasa,
Monique ng Cavite
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang naman ang malinaw na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, kung sino ang minahal mo ng tapat, tunay at naramdaman mo talaga ang presensya niya sa relasyon ninyo, sa bandang huli, ang lalaki ding nagbigay sa iyong ng very meaningful relationship ang siguradong mapapangasawa at makakasama mo habang buhay.
Cartomancy:
Queen of Spades, Queen of Clubs at King of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing ngayon lang may kaguluhan sa iyong puso at isipan, ngunit pag sapit ng buwan ng Disyembre, muling maaayos at magiging okey na ang lahat sa pagbabalik ng dati mong boyfriend na nirerepresenta ng King of Hearts.
Itutuloy…..

Read more...