Pagkatapos ni Robin si Mark na ang susunod na ‘palalayain’ ni Duterte?

ROBIN PADILLA AT MARK ANTHONY FERNANDEZ

ROBIN PADILLA AT MARK ANTHONY FERNANDEZ

SA pagkakaloob ni Pangulong Rody Duterte ng absolute pardon kay Robin Padilla, we can’t help but mumble the lines of a song, “Free again…independently free again…back in circulation now…time for celebration…time to have a party.”

Ito ngayon ang bagay na bagay na awitin kay Robin, free from the shackles of a forgotten past, who can now invoke his political and civil rights. Pwede na siyang bumoto at tumakbo sa kahit anong posisyon sa gobyerno.

From where Robin stands now ay maraming posibilidad ang nasisilip ng publiko. May kaakibat bang collateral gain ang kanyang kalayaan? Mag-spill over kaya ito sa kakaibang kaso ng pamangkin niyang si Mark Anthony Fernandez?

Will Digong’s heart soften on Robin’s plea na kung talagang kailangang pagdusahan ni Mark ang kanyang drug offense, hindi ba puwedeng mai-commute ang sentensiya sa kanya? Can’t a drug rehab program for Mark be an option rather than letting him languish in jail?

Ilan lang ito sa mga katanungan ng publiko lalo’t hindi maikakaila ang suportang ibinigay ni Robin sa kampanya kay Pangulong Digong.

Read more...