HANGGANG sa huling pagkakataon, tinapos ng dating pangulong Ferdinand Marcos at ng kanyang pamilya ang kanilang mga hangarin sa palihim na pamamaraan.
Palihim na inilibing ang dating pangulo sa Libingan ng mga Bayani kasabay ang pagbibigay ng military honors Biyernes ng tanghaling tapat.
Walang nakakaalam, kung kayat marami ang nabigla at nagalit sa ginawang tila “pa-traydor” na pagpapalibing sa dating diktador.
Hindi pinapasok ang mga miyembro ng media at ang publiko sa LNMB nang isagawa ang seremonya na dinaluhan ng dating First Lady Imelda Marcos at kanyang mga anak na sina Ilocos Norte Governor Imee Marcos, dating Senador Bongbong Marcos at Irene Araneta, kasama ang kani-kanilang mga pamilya.
Inilibing ang dating pangulo sakabila nang may nakabinbin na motion for reconsideration sa Korte Suprema laban sa hero’s burial.
Nagdiwang ang ilang Marcos supporters nang paputukin ang 21-gun salute sa loob ng sementeryo, hudyat na tuloy na nga ang paglilibing sa dating pangulo.