In-love sa bestfriend (2)

Sulat mula kay Althea ng Bunlo, Bocaue, Bulacan
Problema:
1. May kaibigan po ako at siya po ay bestfriend ko. Tawagin na lang natin siyang Marvin, na isinilang noong December 10, 1992. July 25, 1993 naman ang birthday ko. Halos lahat ng bagay na tungkol sa kanya ay kinukuwento niya sa akin at ganoon din ako sa kanya. Regular din kaming nagte-text halos araw-araw. Wala siyang girlfriend pero may nililigawan siya. Ngayon ay in-love ako sa kanya nang hindi niya alam. Hindi niya alam na nagseselos na ako kapag kinukunwento niya sa akin ang tungkol sa babaeng nililigawan niya na pakipot pa.
2. Ang tanong ko lang po sana, Sir Greenfield, ay kung alam ni Marvin na may gusto ako sa kanya? At dumating kaya ang point sa friendship namin na mauwi sa love? Sa halos gabi-gabi na lang siya ang naiisip ko at sana ako na lang ang babaeng nililigawan niya dahil parang wala namang gusto sa kanya iyon. Magkakaroon kaya kami ng relasyon ng higit pa sa friendship? At kung magkakaroon kailan kaya?
Umaasa,
Althea ng Bulacan
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Leo (Illustration 2.) at Sagittarius naman ang kaibigan mo ay nagsasabing tugma at compatible talaga kayo. Ang Leo at Sagittarius ay may iisang elementong tinataglay – ang elementong apoy o fire. Ito ang dahilan kung bakit kayo mag-bestfriend. Sa malapit na hinaharap ang nasabing pagkakaibigan ay tuluyan na ring mauuwi sa isang lehitimo at wagas na relasyon.
Numerology:
Ang birth date mong 25 at 10 naman ang kaibigan mo ay nagsasabing tugma rin kayo sa numerology sapagkat ang mga taong isinilang sa petsang 7, 16 at 25 ay kadalasang nagiging malapit sa mga taong isinilang sa petsang 1, 10, 19 at 28. Sa sandaling nagkarelasyon ang mga taong isinilang sa petsang 25 at 10, tunay na tunay, sila ay umuunlad at nagiging maligaya.
Luscher Color Test:
Upang tuluyan nang ma-in-love sa iyo ang kaibigan mong si Marvin, lagi kang gumamit at magsuot ng kulay na pula, dilaw at berde. Sa pamamagitan ng nasabing mga kulay, mas mabilis na mabubuo ang isang mainit at nakakikilig na relasyon.
Huling payo at paalala:
Althea, ayon sa iyong kapalaran, nakatakda nang maging boyfriend mo ang bestfriend mong si Marvin. Ito ay inaasahang magaganap ngayong buwan o sa susunod na buwan. Sa panahong nabangit, habang lumalamig ang paligid, ay mabilis namang mananaig at lalo pang iinit ang inyong relasyon ni Marvin. Sa badnang huli ay mauuwi ito sa isang maligaya at pang habangbuhay ng pag-ibig.

Read more...