Wala nang atrasan: Goma idinemanda ang mga pulis na nagdawit sa kanya sa droga

RICHARD GOMEZ

RICHARD GOMEZ

LALABANAN ni Mayor Richard Gomez ang pulis na nagdawit sa kanya sa drug trade. Nagsampa na siya ng reklamo against the member of Criminal Investigation & Detection Group and two others.

Sa interview kay Mayor Goma sinabi nitong tatlong dekada niyang iningatan ang pangalan niya. Tapos, sa isang iglap ay sisirain lang sa bintang na wala namang katotohanan.

Palibhasa mundo na ngayon ni Goma ang pulitika kaya mas mabagsik ang siraan unlike nu’ng aktibo pa siya sa showbiz, alam na niya agad kung sino ang kalaban niya!

May panawagan din ang mayor ng Ormoc City kina Presidente Rodrigo Duterte at PNP Chief Director Gen. Ronald “Bato” dela Rosa tungkol sa isyu ng droga. “If your fight and crusade is to wipe out the problem of drugs in the country you should also wipe out these case bungling cops,” sabi ni Goma sa kanyang Facebook account.

Siyempre pa, suportado si Mayor Richard ng asawang si Cong. Lucy Torres-Gomez na talagang naging palaban na rin pagdating sa usaping politika.

Read more...