Very Good ang unang grado na ibinigay ng publiko sa unang tatlong buwan ng Duterte administration, ayon sa survey ng Social Weather Stations.
Nakakuha ang Duterte government ng 66 porsyentong net satisfaction rating— 75 porsyentong satisfied, walong porsyentong dissatisfied at 17 porsyentong undecided.
Mas mataas ito sa 50 porsyento na nakuha ng Aquino administration sa huling tatlong buwan nito sa puwesto.
Pinakamataas ang gradong nakuha ng gobyerno sa kampanya nito laban sa ipinagbabawal na gamot na naitala sa 78 porsyento (85 porsyentong satisfied, 11 dissatisfied at 7 undecided). Ito ang kaisa-isang isyu na nasa Excellent mark.
Sumunod ang pagpapahalaga sa karapatang pantao na may 63 porsyentong net rating (74 satisfied, 11 dissatisfied, 15 undecided), sumunod ang pagtulong sa mahihirap na may 63 porsyento (75 satisfied, 12 dissatisfied, 13 undecided), pagtulong sa mga overseas Filipino workers na may 62 porsyento (73 satisfied, 11, dissatisfied, 16 undecided).
Paglaban sa kriminalidad 58 porsyento (73 satisfied, 15 dissatisfied, 11 undecided), paglaban sa katiwalian 57 porsyento (71 satisfied, 14 dissatisfied, 14 undecided), paglaban sa terorismo ay 55 porsyento (69 satisfied, 15 dissatisfied, 16 undecided), paglaban sa teritoryo ng bansa 53 porsyento (66 satisfied, 13 dissatisfied, 21 undecided), at pagpapatupad ng land reform ay 53 porsyento (65 satisfied, 12 dissatisfied, 23 undecided).
Sumunod naman ang paglinang sa science and technology (49 porsyentong net rating), paglikha ng trabaho (46 porsyento), pakikipagkasundo sa mga rebeldeng Muslim (42 porsyento), pakikipag-ugnayan sa ibang bansa (39), pag-ayos ng sistema ng transportasyon (39), pakikipagkasundo sa mga rebeldeng komunista (39), pagtiyak na walang pamilyang magugutom (37) at pagpapanatili sa presyo ng mga bilihin (33).
Ginawa ang survey mula Setyembre 24-27 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondent. Mayroon itong margin of error na plus/minus 3. Una itong nailathala sa Business World ang media partner ng SWS.

MOST READ
LATEST STORIES