Inabsuwelto ng Sandiganbayan Fourth Division si dating Makati City Mayor Elenita Binay kaugnay ng katiwalian umano sa binili itong gamit ng city hall na nagkakahalaga ng P13.25 milyon. Ayon sa korte, kulang ang ipinakitang ebidensya ng prosekusyon upang mapatunayan na maanomalya ang kontratang pinasok ng dating alkalde ng siyudad. Pinawalang-sala rin ng korte sina dating Makati Councilor Ernesto Aspillaga at Vivian Edna Edurise, representative ng Office Gallery International kung saan binili ang mga gamit. Dalawa pang kapwa akusado nila an sina Lee Yi Shing at Jason Li ay nagtago naman. Ang kaso ay nag-ugat sa pagbili ng Makati City Hall ng mga gamit mula sa Office Gallery International mula Disyembre 1999 hanggang Pebrero 2000. Ayon sa Commission on Audit, overpriced ng P3.6 milyon ang mga biniling gamit. Noong Nobyembre 4 ay ibinasura ng Sandiganbayan Fifth Division ang graft case na kinakaharap ni Binay kaugnay ng maanomalya umanong pagbili ng kasangkapan at office partitions ng siyudad noong 2000. Mayroon pang ibang kaso ng katiwalian na kinakaharap si Binay at ang kanyang mister na si dating Vice President Jejomar Binay. 30
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

