Robin sinuwerte pagkapanganak ni Maria Isabella

robin padilla
NABIGO man si Robin Padilla na masamahan-matabihan ang kanyang misis na si Mariel Rodriguez sa pagsilang sa kanilang panganay na si Maria Isabella ay hindi du’n nagtatapos ang kuwento.

Napakalaki ng posibilidad na madalaw ng action star ang kanyang mag-ina dahil nu’ng nakaraang Martes ay nabigyan na siya ng absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kasong kinasangkutan niya maraming taon na ang nakararaan.

‘Yun lang ang naging balakid sa matagal na niyang pag-a-apply ng US visa, ang conditional pardon na ibinigay sa kanya ni dating Pangulong Fidel Ramos, pero ngayong plantsado na ang lahat ay mabibigyan na ng pagkakataong makapagbiyahe sa Amerika si Robin.

Napakalaking kaluwagan sa kalooban ng action star ang absolute pardon na ibinigay sa kanya ng pangulo, ngayon ay walang-wala na siyang pananagutan sa batas, lalo na’t napagbayaran na niya ang kasong illegal possession of firearms nang ilang taon sa piitan.

Maligayang-maligaya si Robin, maligaya rin si Mariel, dahil anumang oras ay magkakasama-sama na sila sa Amerika ng kanilang panganay na si Maria Isabella.

Ito na ang pinakamaligayang Pasko para sa mag-asawa dahil kasama na nila sa pagdiriwang ang kanilang munting anghel.

At mas maagang matutupad ang pangarap ni Robin Padilla na mayakap at mahagkan ang panganay nilang anak ni Mariel.

Read more...