Smokey wala pa ring asawa: Darating din ‘yun!

smokey manaloto

NANINIWALA si Direk Erik Matti na magaling na dramatic actor si Smokey Manaloto maski na kilala siya bilang komedyante.

Hindi alam ng mga tao na napakaseryosong tao ni Smokey base na rin sa nakikita namin kapag may events sa bahay nina Sylvia Sanchez o kaya’y kapag kaarawan ng manager nilang si tita Angge.

Nag-guest na si Smokey sa FPJ’s Ang Probinsyano at take note, seryoso siya roon, pero nakakatawa pa rin dahil sa kilos niya bilang kasabwat ng mga nagpapatakbo ng jueteng at iba pang pasugalan.

Sa launching ng OTJ The Series ay sinabi ni Direk Erik na matagal na niyang gustong makatrabaho si Smokey kaya naman nagpapasalamat siya na umoo ang aktor sa project na ito.

Pagpapakilala ni direk Erik kay Smokey sa presscon ng OTJ, “Nasa checklist ko itong si Smokey, an actor whom I want to work with and the most expensive actor here on stage.

“Smokey has always been doing comedy, he’s really good at that but I really know and what I really know about (Smokey) is he’s a very sensitive actor and he’s looking for something meatier not just comedy and we assigned him the role of SPO3 Obet.”

Humahalakhak naman si Smokey nang hingan siya ng komento sa magandang sinabi sa kanya ni direk, “Ako po ang may malaking talent fee rito. Ha-hahaha!”

Binata pa rin hanggang ngayon si Smokey kaya minsan naitanong namin sa kanya kung kailan siya mag-aasawa, “Darating din ‘yun, huwag kang mainip,” sabi niya sa amin.

Read more...