Pagpapalabas ng bagong movie ng Regal naudlot dahil kay Angeline?

angeline quinto

FOLLOW-UP ito sa sinulat namin kahapon tungkol sa hindi pagkakatuloy ng presscon ng Regal Films para sa “Foolish Love” nina Angeline Quinto, Tommy Esguerra, Miho Nishida at Jake Cuenca dahil may sakit daw ang isa sa cast.

Si Angeline pala ang dahilan na nakapalitan namin ng mensahe sa text kahapon, “Hindi pa po kasi ready lahat ate, nanggaling din ako sa taping ng MMK (Maalaala Mo Kaya). And ‘yung theme song po, hindi ko pa nai-record.”

Dahil sa pagod sa taping ng MMK ay hindi na raw kinaya ni Angeline na magpunta sa presscon.
Tinanong namin sa kanya kung nagalit ba sina Mother Lily Monteverde dahil hindi nga raw matutuloy ang Nov. 30 playdate ng “Foolish Love.”

“Hindi naman po ate Reggee kasi sila (Mother Lily at Roselle Monteverde) na rin po ang nag-decide kasi kung sa November 30 po ipalalabas wala po akong masyadong time makapag-promote kasi ang dami ko rin pong gagawin this month,” katwiran ng dalaga.

Tinanong na rin namin sa kanya ang tungkol sa kissing scene nila ni Jake, pero hindi na kami sinagot ng dalaga. Tinanong din namin kung ano ang mas nakakatawa, ang “Foolish Love” o ang “That Thing Called Tanga Na.”

“Mas natatawa po ako sa ‘Foolish Love’. Ha-hahaha!” sagot sa amin.

Read more...