May nakuhang lead ang National Bureau of Investigation na posibleng magresulta sa pagkakaaresto kay Ronnie Dayan, ang driver-body guard na naging boyfriend ni Sen. Leila de Lima.
Sa pagdinig ng House committee on justice kahapon, sinabi ni NBI Deputy Director Francis Lavin na hindi niya maisasapubliko ang mga detalye na isinasagawa ng ahensya kaugnay sa paghahanap kay Dayan.
Mayroon umanong mga grupo na binuo upang hanapin si Dayan.
May hiwalay namang operasyon ang Philippine National Police upang hanapin si Dayan.
Ayon kay PNP Director Benjamin Magalong dalawang operasyon ang inilungsad ng PNP sa Urbiztondo, Pangasinan subalit negatibo ang resulta nito.
Ipinapahanap ng Kamara de Representantes si Dayan matapos na mabigong dumalo sa pagdinig ng komite kaugnay ng pangongolekta umano ng drug money sa loob ng New Bilibid Prison para sa kandidatura ni de Lima sa nakaraang eleksiyon.
MOST READ
LATEST STORIES