Mariel mahigit 21 oras nag-labor bago ipanganak si Maria Isabelle

mariel rodriguez
NANGANAK na si Mariel Rodriguez nu’ng Nobyembre 14 sa Amerika. Normal naman ang delivery kay baby Maria Isabelle kahit na nga inabot ng halis 21 oras ang pagle-labor ng TV host-actress.

Sa Instagram account ni Robin Padilla, ibinahagi nito ang magandang balita. Kahit na nga hindi pa rin nabigyan ng US visa, isa-isa niyang pinasalamatan ang mga taong nasa tabi ni Mariel mula nang mag-labor ito hanggang sa manganak, kasama na ang mga Amerikanong nurse, midwife at staff na nagpakita ng genuine concern sa kanyang asawa.

Narito ang mahabang post ni Binoe: “Isabella was born 7:56 am on November 14, 2016, 7.3 lbs and 21 inches. Exactly 21 hours of labor and normal delivery. Maraming salamat po Mahal na Panginoong maylikha sa biyaya ng buhay at kaligayahan.

“Nagpapasalamat po ako sa mga taong inialay sa amin upang maalagaan ang aking asawa sa kanyang maselan na pagbubuntis hanggang sa panganganak.

“Ako ay nagpupugay sa iyo tita Maricon Termulo at Eric Tamesis na nagsilbing hotel ang kanilang bahay, naging driver bodyguard ang buong pamilya at higit sa lahat ay ang haplos ng isang ina at sa iyo Sir Abellardo Termulo sa pagpapakita ng iyong pagmamahal at suporta sa iyong anak, wala po kayong katulad isa po kayong alamat sa pagiging Ama at bilang lolo ni Maria Isabelle ay sinamahan mo siya sa pagtawid mula sa sinapupunan hanggang sa pagsilang.

“Isa pong karangalan na kayo ang pumutol ng umbilical cord. Ako ay buong pusong nagpapasalamat sa lahat ng mga amerikanong nurse, midwife at saff na nagpakita ng genuine concern sa panganganak ng aking asawa.

“Maraming salamat din Analyn sa pagiging kapatid namin sa hirap at ginhawa. Tanggapin po ninyo ang aking paggalang at malalim na pasasalamat Dra. Eileen Manalo, Dra. Mangubat at higit sa lahat akoy nagpupugay at naglulumuhod sa lahat ng mga Pilipino sa buong mundo na nagdasal at nagsalmo para maging maayos ang kabanata na ito sa buhay ni @marieltpadilla at ni maria isabelle de padilla. Mabuhay po!!! At pagpalain nawa tayong lahat ng Panginoong maylikha.”
Congratulations, Robin and Mariel!!!

Read more...